I sat recently with vice presidential candidate
Senator Alan Peter Cayetano to discuss issues like the presidential debate
among Senators Grace Poe and Merriam Santiago, Former Local Government
Secretary Mar Roxas, and Davao Mayor Rodrigo Duterte, on Duterte’s PR group to
spike his survey stocks, topping for the first time Politiko-VOX
rankings, and selective acceptance of financial contributions,
Excerpts:
The six vice presidential aspirants in the Philippines. Senator Alan Peter Cayetano is 3rd from left. PHOTO CREDIT: mb.com.ph |
MORTZ
C. ORTIGOZA (MCO): What can you say about the previous presidential and
vice presidential debates?
SEN.
ALAN PETER CAYETANO (SAPC): Suggestion ko one on one debate parang basketball
parang Round Robin. Poe-Duterte, Duterte-Binay, Binay-Poe, Poe-Mar Roxas ganoon
din sa vice president.
MCO:
Ano iyan parang Republican Fox News TV debate sa Detroit nina Donald Trump, Ted
Cruz, Marco Rubio, and John Kasich?
SAPC: Iyong one on one kasi walang choice kausap mo iyong
tao, kausap mo rin sa apatan kasi medyo may pakiramdaman kayo tapos kaunti lang
iyong oras. Di ba, I mean Mortz, tayo kahit magkakilala tayo magdebate mas
showbiz e. Pero one on one tayo kahit kaibigan mo ako tatanungin mo ako,
tatanungin mo ako ng matinik talaga. Bigyan mo ako sa matinik na (tanung) lima pa rin tayo nagdedebate. Nakikinig lang iyang
tatlo tapos manunulsol pa iyon. Iba iyong tatlo tayong mag salpukan. Di ba?
MCO:
Duterte camp said they are going to help you to buttress your polls stocks, can
you share how they are going to do it?
SAPC:
Unang una Mortz ako ay naniniwala kung gusto ng Diyos na panaluhin na ikaw ang
maging opisyales. Obligasyon natin na magtrabaho ng husto. So ako ay
nagpapasalamat kay Mayor Duterte, sa (inaudible) at PDP-Laban nag extra effort
sila for the last weeks kaya makikita ninyo sa Mindanao at the end No. 1 ako
pero dikit dikit. Ngayon sa latest Pulse Asia mahigit five percent ang lamang
ko doon sa pangalawa at mahigit pa din sa iba sa Mindanao. So kita ang
expectation doon, ano?
MCO: Sa Politiko-VOX rankings for the first time nag start
campaign last February kayo ang lamang with 42 percent, up from 35 percent in
Week 5 ng campaign (Click to see VOX's ranking).
Ano ang lamang ninyo kena Senators (Chiz) Escudero and
Bong Bong Marcos, Congresswoman (Leni) Robredo sa ibang pollsters?
Seven percent ang lamang ni Congresswoman Leni, 11% si
Senator BongBong and si Senator Chiz pero katulad ng sinasabi ko suporters natin
25 percent ang lamang ni Chiz Escudero sa election ng 2013 pero nagtrabaho tayo
ng husto sa awa ng Diyos nalampasan natin.
I’m not focus ano ang number but iyong malaman ng tao
what the Duterte –Cayetano are all about.
MCO:
Hinde daw kayo (Duterte –Cayetano tandem) tumatangap ng financial contributions
galing gaya ng PLDT and Smart ni Manny Pangilinan, Globe nila Ayala dahil mahal
ang text at mabagal ang internet?
SAPC:
I don’t know ang details noon, but anyone na may malaking contracts sa
gobiyerno absolutely hinde puwede. Kabilin bilinan ni Mayor Duterte na huwag
tayong tatangap ng pera sa mga malalaking contractors sa gobiyerno. Huwag tayo
papatali sa leeg na suspetsa pa lang natin na iyan ay Drug Lords, Jueteng Lord,
huwag tayong lumapit iyong tayo kukuha ng suporta ng pera. Alam naman po natin
na merong narco politics sa atin.
(Send comments at totomortz@yahoo.com)
No comments:
Post a Comment