By Mortz C. Ortigoza
MANILA ZOO, Manila – Ang comedy actor at singer na si Blakdyak ay nag iskandalo dito at nag labas ng sama ng loob sa mga reporters matapos niyang mabalitaan na hindi na siya ang gaganap na Vice President Jejomar Binay sa isang high budget film na tinutulak ng huli.
"Kakasuhan ko siya ng breach of contract!," ani nito.
|
The handsome mestizo Alden Richards (right) that Vice President Jojo Binay (left) said he will hire as himself in the film he is funding. |
Si Blakdyak, Joey Amoto sa tunay na buhay, ay nanlumo noong mabalitaan niyang kukunin ng controversial na Vice President si Alden Richards na ka loved team ni Maine Mendoza alias Yaya Dubs ng GMA 7s Eat Bulaga.
“Bakit naman ganoon si Vice President? Sinabihan pa niya na huwag na akong tatanggap ng ibang projects at concerts sa probinsiya, sa mga lamayan at libingan dahil mag sisimula na ang shooting ng “Susulungin ko ang Dilim” sa katapusan nitong buwan,” maluhang luhang sinabi ni Black Jack dito sa Manila Zoo noong nakasalubong niya ang mga reporters na kukuha sana ng balita sa may sakit na hippopotamus dito.
Si Binay ay nag aambisyong tumakbo sa pagka pangulo ng Pilipinas sa May 9, 2016 election.
Noong Martes sinabi ni Vice President sa isang emergency press conference na gusto niya si Richards na gumanap sa pelikula niyang ibibigay na libre sa Nobyembre sa mga sinehan sa buong Pilipinas.
"Kaya ko nabanggit kasi sikat na sikat, e," ani ni Binay.
Noong biniro si Binay ng isang reporter ng Turo Ini Tabloid na malayo siya kay Alden sa kulay at tangkad, biglang binalibag ni Vice President ang mikropono sa reporter ng malaswang tabloid at sinigawan siya na: “"Sa sine naman wala namang imposible. Hindi ba, itinutugma naman kung ano ang pangangailangan."
Sinabi pa ni Binay sa chief of staff niya na huwag bigyan ang mga media ng sobre na may lamang tag P5000 pag nagtanung sila ng masama at may malisya sa kanya.
|
Ang langu sa alak na si Blakdyak matapos magwala sa isang motel sa Quezon City. |