MLANG, North Cotabato—AABOT sa 1382 na mga kababaihan ang nagtapos sa anim na buwang computer literacy program ng LGU Mlang simula nang buksan ito nitong taong 2008.
Maliban sa mga kababaihan, may mahigit 200 mga out of school youth at 20 mga anak ng 4P’s beneficiaries din ang nagtapos sa programa.
Ang Community E-Center ay isang computer school na pinapatakbo ng lokal na pamahalaan ng Mlang na naglalayong mabigyan ng libreng edukasyon hinggil sa computer literacy ang mga mahihirap na mga mamamayan nito.
Kabilang sa mga nagtapos sa nasabing kurso si Bae Queenie Hadjinoor, 20 years old, anak ng dating MILF commander ng Barangay Gaunan.
Sa edad na 11, naulila siya matapos na pumanaw ang kanyang mga magulang. Pero hindi ito naging hadlang sa kanya para itayguyod ang kanyang pag aaral.
Kuwento ni Bae Queenie, mag isa siyang umakyat sa munisipyo ng Mlang at humingi ng scholarship grant upang makapag aral siya ng computer course.
Matapos mag qualified sa scholarship grant, pinagbuti ni Bae Queenie ang kanyang pag aaral hangang sa maging bihasa siya sa pag gamit ng mga makabagong teknolohiya.
Ito din ang naging pasaporte niya para kuning assistant instructor ng Mlang Community E-Center matapos ang kanyang graduation.
Samantala, isang ina din ang nagkuwento nang kanyang karanasan nang sumailalim siya sa anim na buwang pag aaral sa e-center ng Mlang.